You make me feel beautiful. You’re there for me when no one else is. You make me laugh. You accept me for who I am. You’re the best thing that’s ever happened to me. I’m blessed to have you as my boyfriend, best friend and brother.
(Source: youreuniz)
I just want to tell you that you that when we’re together, I always feel safe and protected. You always know how to make me happy when I’m sad… even during through tough times. Babe, although sometimes I may question things, deep inside I know that you are the only one for me. The only one I admire and the one I only love. My feelings are growing stronger and stronger every day. I love every single thing about you. I love your cute smile, your magical eyes, the sound of your voice, and last I love the warmth I feel when you tell me you love me. Babe, we both have gone through so much and I’m proud that we made it through. It’s amazing how you understand me on how I feel and think. I promise everything will be worth it. ♡
Love,
Eunice
(Source: )
Nakakamiss ‘yung oras oras kayong magkatext araw araw. Hanggang gabi, minsan e inuumaga pa. Nakakamiss ‘yung lagi kayong naglalambingan sa text. ‘Yung tatanungin mo sya, “Gaano mo ‘ko kamahal?”, “‘Wag mo ‘ko pagpapalit ha?”. Tapos sasagutin nya at kikiligin ka.
Ganyan rin kami noon. Pero nung 3 months yata kami gabi gabi na sya tumatawag sakin. Minsan ako ang tumatawag kapag pagod sya at hindi na sya makakapagpaload. Mas masarap sa pakiramdam. Kasi hindi mo nalang nababasa ‘yung mga sinasabi nya. Kundi naririnig mo pa. Kapag antok na sya, maririnig mo ‘yung cute nyang boses sa phone. “Baaabe, tulog na tayooo.”. Madalas kami mag pray ng sabay. Madalas nya akong patulugin. Madalas nya akong kantahan, minsan may gitara pa. Madalas kami magkwentuhan, sa kwentuhan na ‘yun hindi mawawala ‘yung pagpaplano sa future. Mga imagination na gustong mangyari.
Ngayon, nagkakatext pa rin naman kami. Kapag nakauwi na kami, good morning and good night texts. Long and sweet random texts. Pero hindi na kami kuntento don. Para bang may pumupigil samin na magkwento kasi magkakausap naman kami mamayang gabi. Hahaha.
Masarap sa pakiramdam na ilang bwan nalang nanaman e anniversary nyo na. Masarap sa pakiramdam na mag a-anniversary kayo ng ramdam pa rin ang pagmamahal ng isa’t isa. At wala pa ring nagbabago sainyo.
E ano naman kung 1 year o mag wa-1 year na kayo? Kung wala naman nang nangyayaring maganda sainyo tulad ng hindi ka na sumasaya at hindi ka na nya iniintindi.
(Source: youreuniz)
Sya pa din ‘yung lalaking nakilala ko simula nung una palang. Hindi sya nagbabago hanggang ngayon. Kung ano sya sakin noon, ganon pa din sya. Hindi sya ‘yung lalaking ‘sa umpisa lang’. Mas lalo pa syang nagiging sweet, mapagmahal, maalaga, masurpresa, ma-effort, ma-respeto, gentleman, matyaga at mapagpasensya. Lalo pa din syang nagiging mabuting boyfriend sakin. Hanggang ngayon, parang nanliligaw pa din sya, hindi nya pa rin ako hinahayaang umuwi ng hindi ako hinahatid o walang kasama. Sya pa din ‘yung lalaking minahal ko since first year high school pa. Mas lalo pa nyang pinaparamdam sakin na maswerte ako at hindi ako nagkamali. Na hindi sya puro lang salita.
(Source: youreuniz)
Just have a night where we can curl up together and watch movies, play video games and have pillow fights all night long. We would tell stories to each other and jam together, regardless of whether we suck at singing or not. We can stay up until 11:11 and make wishes together. We’ll have midnight snacks and play chubby bunny. I want to cuddle with you and wrestle. We can build pillow forts and pretend the floor is hot lava, like when we were little. We can go out for a late night watch and just look at how beautiful the lights are late at night. We can eat ice cream sundaes. We can just fall asleep together, listening to the rise and fall of our breathe. I want to wake up seeing you next to me. I want to make you breakfast, even if its just a bowl of cereal. I’ll try my best to make you eggs and bacon though. I just want to spend every waking moment with you, literally.
(Source: )
Babe: Babe nakauwi na po 'yung mapapangasawa mo. Konting tiis nalang babe. Balang araw sayo na ako uuwi, sa sariling bahay nating dalawa. I love you. :*
Nakapost ‘to sa Wordpress ko. Pero sabi ni Ina, dito ko nalang daw ipost ‘to. Iyan na. HAHA!
——————————————————-
Maraming nakakaranas ng ganyan. Para sa akin, ‘yan ang magandang simula ng relasyon. Dahil mag best friend na kayo, alam myo na ang mga katangian ng isa’t isa. Alam mo na ang baho ng utot nya, kung gaano sya kahalimaw kumain, kung anong gamit nyang napkin, ilang oras sya maligo, o marahil bilang mo na ang mga nunal nya sa katawan. Kilala mo na rin kung nag tatampo sya o nagagalit at kung paano sya suyuin. Alam mo ang mga gusto at ayaw nya kaya madali nalang makipag sabayan sa mood nya. ‘Pag pasok nyo sa isang relasyon, very open na kayo. Hindi na kayo nagkakahiyaan at sabay ang mga trip nyo. Alam mong mapag kakatiwalaan sya kaya hindi ka mag he-hesitate na mag sabi ng mga sikreto sakanya. Alam mong sincere sya sayo at alam mong tunay ang nararamdaman nyo sa isa’t isa. Ang mas maganda kung matagal na kayong mag best friend at kilala na rin sya ng mga magulang mo. Instant tiwala agad ang mga magulang mo sa magiging ka-relasyon mo.
Pero paano kung umamin ka ngunit hindi ka nya mahal?
Hindi masamang mag tapat ng nararamdam. Anong naman nga bang masama doon? Atleast nailabas mo ang nararamdaman mo. Lalo na’t hindi ka umaasang mahalin ka din nya. Na okay lang kahit hindi ka nya mahal. Gusto mo lang amining mahal mo sya at handa kang mag hintay. Pero mahirap. Mahirap isipin na baka kapag umamin ka, he doesn’t feel the same way. Baka kapag umamin ka, iwasan ka nya. Baka kapag umamin ka, mabigo ka at masaktan. Mahirap isugal ang pagkakaibigan lalo na’t pag-ibig ang usapan. Paano kung hindi ka nya mahal? Masakit. Mabigat sa pakiramdam. Walang ibang makakaalam ng nararamdaman mo kundi ikaw lang. Walang ibang makakapag sabing, “Okay lang ‘yan” kasi hindi nila alam kung gaano kasakit at kahirap ang mabigo dahil hindi sila ang nasa sitwasyon mo. Wala kang magawa kundi tanggapin at irespeto ang desisyon nilang hindi ka samahan sa buhay na gusto mong kasama sya. Wala kang karapatang isumbat sakanya kung bakit hindi ka nya kayang mahalin kasi in the first place, hindi nya sinabi sayong mahalin mo sya. Wala kang karapatang magalit kasi hindi nya kasalanang hindi ka nya mahal at kayang mahalin. Wala kang magawa kundi umiyak dahil sa sakit at pagkabigong nararamdaman. Umiyak dahil nag mukha kang tanga.
Paano naman kung takot kang umamin?
‘Wag mong ipressure ang sarili mo lalo na’t alam mong hindi ka nya maaaring mahalin. Ingatan mo ang puso mo. Isipin mo ang mas makakabuti sayo. Ang mas magandang gawin mo ay humanap ka nalang nag pagkakaabalahan mo at ‘wag mo sya masyadong isipin. Parang sa mga horror movies na ipinapalabas sa TV. Kung natatakot ka, humanap ka ng ibang palabas. ‘Yung alam mong kampante ka, ‘yung magiging masaya ka. “Yung palabas na mas maganda. Alam ko gasgas na ‘yung mga salitang, “Makakahanap ka din ng iba”, “Marami pang iba dyan” pero iyon naman talaga ang totoo. Nakakasawa lang pakinggan kasi hanggang ngayon wala pa ‘yung ‘iba’ na ‘yon. Lahat naman tayo may kanya kanya kapareha sa mundong ‘to. Pero sabi nga ng iba,“Paano kung patay na ang taong ‘yun?” Oo nga naman… pero sa tingin ko ang gawin mo nalang kapag hindi mo nakita ang tao na ‘yun sa tanan ng buhay mo, ang sarili mo nalang ang mahalin at ingatan mo. Nandyan pa naman ang pamilya at mga kamag-anak mo.
‘Wag ka mag madaling hanapin sya. Kasi naniniwala akong hangga’t hinahanap mo sya, hindi mo sya makikita bagkus (naks!) maling tao ang makakasama mo. Masasaktan ka pa. Ngunit okay na din ‘yon, kasi hangga’t nag kakamali ka, nasasaktan ka, natututo ka. Nagiging malakas at matibay ang loob mo. Kaya sa susunod mas magiging wise ka.
Pero sinisigurado ko naman sayo, sa hinaba haba at tagal mong paghihintay worth it naman ito.